" Babe, tatagan natin ha? "
Ayan yung katagang narinig ko sakanya nung nagkasama kami, di ko alam pero nagkaroon kami ng problema, pero hinde ganun kalaki. Ang sarap sa feeling na sa bibig pa nya nanggagaling yung salitang yan. Sa totoo lang, sya lagi nagsasabe na wag ko sya iiwan, na pag iniwan ko sya, iiyak daw sya, na wag ako titingin sa iba, na wag ako manglalalaki, minsan sinabe rin nya na wala syang tiwala sakin nung una, kasi ang dami ko daw kaclose na lalaki, na lapitin daw ako ng lalaki, natatakot daw sya na magkagusto ako sa iba. Pero ang totoo, ako din tong natatakot na magkasgusto sya sa iba, kasi gwapo sya at mabait talaga. Impossib na di ako magkakaroon ng kaagaw pero diba, TRUST ang kelangan sa relasyon? Kung pumalpak ako sa past, how i wish na hinde ito matulad sa relasyon namin ngayun. Minsan nga, kung magtratuhan kami, parang ang tagal nanaming magkakilala. Parang taon na kaming magkarelasyon, i wish na darating kami sa ganung punto, na aabot at aabot talaga kami ng taon. Pero tatatagan namin ♥
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento