Huwebes, Agosto 22, 2013

Moment.

Share lang, ito galing ako kila shalom. Kanina, magkasama kami. Mga 3hrs kaming magkasama, nsa court kami, nakaupo, magkahawak kamay, nakatingin sa langit, kasi tinitignan kung uulan. Anu ba aasahan namin dun? Stars? E uulan nga. Hahaha. De, habang nakaupo kami, nagkkwentuhan kami, marami kaming pinagkkwentuhan. Hanggang sa mapunta yung usapan namin sa future, anu daw yung long term goal namin? Tinanung ko sya kung may balak ba sya mag-abroad? Sabi nya, OO. Kasi ako, may balak din ako mag-abroad kung sakali. Gusto daw nya mag-ipon, tas tinanung nya ako.

Him: Babe, anung taun mo gustong magpakasal?
Me: Siguro mga 25 or 26?
Him: Pwede bang 26, May ipon na ako nun. Hahaha
Me: Baliw. Kung tayo pa nun. Baka mang babae ka e.
Him: Tange, hinde no. Diko gagawin yun, promise! * he kiss my forehead* 
        Sayo ko nga dapat sabihin yun e.
Me: Sus, di ko rin naman gagawin yun e.

Alam nyo ba, sa dami nang pinagusapan namin. Eto ang long term goal namin :

  • Ang tumagal kami. Yung maging kami na talaga.
  • Makakuha ng bahay, ayaw namin ng may 2nd floor.
  • At the age of 25-26 kami ikakasal.
  • Gusto nya, baby boy ang unang magiging anak namin.
  • Gusto nya, church wedding, ang gusto ko naman, garden wedding!
  • Magkaroon kami ng magandang trabaho at buhay.
  • Makakuha ng sasakyan.

Ang sarap sa feeling, na nangangarap kami sa future namin. Kanina, tinitignan ko sya, nakatingin lang sya sa langit, halatang may iniisip. Tas niyayakap nya ako, hinahalikan sa kamay at sa noo. Tas nakangiti sakin. Sabi nya, 18 kami, ang tagal pa daw naming maghihintay. Sabe ko wag syang magbilang, kasi bumabagal ang oras pag ganun. Panay I love you sya sakin, marami akong pangarap, kasama na si shalom dun. At alam kong kasama na din ako sa pangarap nya. ♥



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento