Linggo, Agosto 25, 2013

Distansya habang nagmamahal. 

Kung ikaw yung may relasyon na mapapalayo sa taong mahal mo dahil mag aaral o magtatrabaho sa ibang bansa, huwag kang malulungkot, matuwa ka dahil magkakaroon kayo ng pagsubok bilang isa sa mga taong may relasyon.

Palagi mong tatandaan ” DISTANSYA LANG YAN ” kahit na sabihin nating madali sabihin ito pero wala ka na naman magagawa kundi tanggapin diba? Walang magagawa ang pagmumukmok mo kundi dapat mong tulungan ang sarili mo na gumawa ng paraan paano mo mas mapapalakas yung relasyon mong dalawa.

"Nag hiwalay lang naman yung "kayo" hindi yung relasyon niyo, tandaan niyo na hindi nawala yung kayo, yung tawagan niyo bilang magkasintahan, nandun pa rin, ang tanging pinagkaiba lang eh hindi na kayo palagi magkikita, tandaan mo na andiyan ang teknolohiya para mapaigting ang relasyon niyong dalawa.

buti nga kayo,

Naghiwalay para mas tumibay ang relasyon." hindi yung "Naghiwalay dahil sa hindi na kinaya yung pagsubok na makakapagpatibay sana ng relasyon niyo."
 
Walang magagawa ang luha ng kalungkutan kung palagi ka lang nasa isang tabi at hindi kayang labanan ang pagsubok na ito, tumayo sa pagkakamukmok at mahalin ang sarili at isat-isa, marami pa kayong problema na pagdadaanan, marami pa kayong pagkakataon na magkakasama ulit.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento