Biyernes, Agosto 16, 2013

No regrets.

Isa lang narealize ko ngayun, wala akong pagsisi sa ginawa ko o sa pinili ko. Masaya ako sa naging decision ko, minsan sa decision na yun, dun lalabas yung katotohanan. Ano ba yung tinutukoy ko? Hm, lets say, sa pag-ibig. May nasaktan tayo, nakasakit tayo. Yung pakiramdam na walang peace sa puso mo kasi may nasaktan ka, pero sa bandang una lang pala yun, kapag natuto ka nang patawarin yung sarili mo. Magiging masaya kana, no regrets, just lesson learned. Pero anu yung mas masakit? Yung taong nasa past mo, patuloy ka parin minamaliit. Pero sakin, di ko iniinda yun. Dahil ang alam ko, masaya ako ngayun. Masaya ako sa decision na pinili ko, masaya ako dahil hinde ako nagsisi, dahil mas nakahanap ako ng mas better. Nakahanap ako ng lalaking aalagaan ako, ipapakilala ako sa pamilya nya, nakahanap ako ng taong may pag-galang sa pagkababae ko at sa ibang babae. Nakahanap ako ng lalaking, patatawanin ako, hinde yung paiiyakin ako. Nakahanap ako ng lalaking alam kong di ako sasaktan. ♥

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento