Linggo, Agosto 18, 2013

BITTER.

Bitter? Di naman masama maging bitter e. Oo, hinde talaga. Mahirap magkunware na masaya ka, mahirap itago yung nararamdaman, lalo na kapag nasaktan ka. Yung tipong di mo makalimutan yung past mo. Walang oras na di mo naalala yung pait na nanyare, yuck. Pait talaga? Pero may iba't ibang bitter e.
  • Una, may mga taong pag bitter, ayun. Walang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak, konting momentum lang. Iyak na sya. Walang humpay. Hagulgol pa kamo. Minsan nakatunganga pa, lumilipad yung isip. 
  • Pangalawa, may mga taong bitter na galit. YAN! Yung tipong mumurahin ka, pagsasalitaan ka ng masasakit, kulang na lang, patayin ka, saksakin ka. Na sasabihan ka pa ng " SANA KARMAHIN KA SA GINAWA MO SAKIN . P!$@$@%#$^#^ M*!  " Ay grabehan lang te' at kuya?
  • Pangatlo, may mga taong bitter na tahimik lang. Sinasarili lang nila, pag naalala yung pait na nanyare, ayun pigil luha. Nako te at kuya, wag mo pigilian, puputok ka nyan. Kung may makakausap ka, or pwede mong pagkatiwalaan, edi go lang ng go! Ilabas mo sa kausap mo yung nararamdaman mo. Mahirap talaga pag wala ka napagsasabihan ng problema.
  • May mga taong bitter naman na positive mag-isip, dyan ako bilib. Oo, nasaktan sila ng sobra, pero sila yung taong kahit sobrang sakit na, positive ang iniisip. Yung mga tong, una iiyak pero sa huli. Gagawin lahat, para maka move-on. Para maipakita nila na kaya nilang maging mas better. 
Oyan, wala talaga masama sa pagiging bitter, pero wag ang sobra. Nako, wag mo kakalimutan, may ibibigay sa'yo si LORD, na mas better sakanya at di ka sasaktan. Siguro, nasaktan ka lang para malagpasan mo yung mga trial and circumstances, diba? Yang iniyak mo ng sobra, may palit na ngiti yan. Tiwala lang at wag mo kakalimutang ipray. Orayttt (y)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento