Sabado, Agosto 10, 2013

Life sucks?

No, it is a bad day, not a bad life. Maka-life sucks ka naman. Pasalamat ka nga, buhay ka pa. Pasalamat ka nga, humihinga ka pa. Pasalamat ka nga, nandito ka pa sa mundo. Di porket maraming problema na dumadating sa'yo, iisipin mo ng wala kang kwentang tao, na walang kwenta ang buhay mo. Lahat ng problema, may solusyon, mukha mo na lang yung wala. De joke! Lahat ng problema, may sagot. Kahit sobrang hirap pa. Depende na lang sa'yo kung paano mo sosolusyunan, di yung idadaaan mo sa SUICIDE. Mahiya naman aba, binigyan ka ni LORD ng buhay tapos magpapakamatay ka lang. Samantalang yung iba, gustong mabuhay pero dahil sa may sakit, or na-aksidente at oras na nila, ayun. Mas okay na nga yung dinadaan mo sa iyak, e kung wala kang malapitan. Si LORD, pwede mo lapitan. PRAY and PRAY. Di kasi sa lahat ng oras, sarap lang yung mararanasan mo, di sa lahat ng oras, magiging masaya ka. At darating yung time na may darating ng problema, at dyan ka susubukin kung gaano ka katatag. Diba? Isa lang masasabe ko. WELL, THAT'S LIFE.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento