Mga taong takot makipag break sa personal.
May mga taong ganto, at alam ko ay maraming ganto. Yung tipong tatapusin ang relasyon sa pamamagitan ng text/chat. Ang panget tapusin ng isang relasyon kung sa text lang, parang
nakakainsulto. Ano ang dahilan nila? Takot sila dahil baka makita mo
silang umiiyak? Hindi bat mas maganda kung sa personal, dahil na alam
mong seryoso siya sa gagawin niya?
O natatakot siyang baka maawa ulit siya sayo at hindi makaalis sa
relasyon? Maraming puso ang nasusugatan at naiiwan dahil sa mga maling
diskarte ng mga ito. At madalas nakikipagbreak ang isang tao kapag gabi.
Kaya minsan mas mabuti pang matulog na lang kapag may problema, malay
mo lumipas yung galit niya, at hindi maisipang makipagbreak. Iba kasi ang pag-uusap kapag sa personal. Walang halong kalokohan,
kitang kita ang emosyon, at iba yung nakikita mo yung mata niya kapag
sinasabi niya ang salitang Paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento