Sabado, Agosto 3, 2013

SINGSING.

Nung isang araw, nagkatampuhan kami ni sha, ay mali. Ako lang pala. Nagpasama kasi siya sa Robinson. Merun daw syang bibilhin, tinanung ko, kung ano ba yun? Ang sabi nya, BASTA daw. Edi nasa robs na kami, sabi nya wait ko daw sya sa National Bookstore, edi naghintay ako dun, mga 10mins. Okay lang, at nung dumating sya. Sabe ko, bili muna kami ng pagkain. Edi sabe nya gusto nya ng orbitz, edi bumili kami, tas inuutusan ko sya bumili ng siomai, aba ayaw sumunod. Nabadtrip ako, ahahah. Ang babaw ko magalit, pero mas kina-inis ko, e inaasar pa nya ako, lalo ako naiinis. Seryoso na talaga mukha ko, pero sya nang-aasar pa, edi nung pauwi na kami, habang nagmomotor sya, tinanung nya ako. "Badtrip ka babe?". Di ko sya pinapansin. Nung hinatid na niya ako sa bahay, wala. Snob, pero tinawag nya ako. Yung payong ko daw, tapos merun pa sya inabot. Na hinde ko nakita, at dahil nga akala ko e insekto, hinampas ko. Nagulat ako sa ginawa ko, kasi nung hinampas ko, bumagsak yung bagay na hawak nya. SINGSING :3 Nahulog sa tapat ko, tas pinulot nya. Inabot nya ulit sa akin, pero bigla nya pinaandar yung motor. Na hinde nakatingin sakin. Naasar ako sa sarili ko nun, bat ko ginawa yun. Syempre, parang napahiya ako sa inasal ko. Nalungkot talaga ako nun, pero tinext ko sya. Sabe ko, na salamat sa singsing, at nagsorry ako sa inasal ko, medyo nung una, nagalit ata sya. Pero kalaunan, nilambing ko. Sabe nya, para mawala daw tampo gusto nya ng COFFEE FLOAT. Ayun, nilibre ko. OKAY NA KAMI ♥ Natuwa talaga ako sa nakasulat sa singsing "BABE 6/23/13". Ang sabe nya, wag na wag ko daw iwawala yung singsing. Magtatampo daw sya! Natutuwa ako sakanya kasi, eto pala yung promise nya. Na babawi daw sya katapusan, binilihan nya ako ng singsing. Kaya ako naman babawi sakanya. ♥

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento