Sabado, Agosto 31, 2013

Love requires effort to keep it healthy…

  • Kahit na napakalayo niyo sa isa’t-isa, eh hindi mo ramdam iyong layo niya sa’yo. Dahil pinaparamdam niyang andyan lang siya, na malapit lang siya.
  • Kapag may problema ka, andyan siya. Sa mga sinasabi at payo pa lang niya, nakakalimutan mong may problema ka pala.
  • 'Yung taong kahit hindi marunong at sintunado kung kumanta, eh kakantahan ka kasi gusto mo marinig boses niya.
  • Kapag alam niyang may sakit, dadalawin ka niya sa inyo. Dahil makita mo lang siya, eh parang magaling ka na.
  • Kapag disoras na ng gabi, ihahatid ka sa inyo. Dahil alam niyang mas mapapanatag ang loob niya kasi alam niyang nasa inyo ka na.
  • Kahit na parehas kayong haggard at hindi pa naliligo ang itchura, haharap kayo sa camera, para magusap pero para sa inyo, ang ganda at ang gwapo niya pa rin.
  • Kapag magkausap kayo sa phone tuwing gabi, kahit na inaantok na sasabihin niyang hindi pa siya matutulog kasi gusto ka pa niyang kausap.
Halimbawa ‘to ng mga efforts na pwedeng dahilan kung bakit mo lalong minamahal ang isang tao. Totoo naman hindi ba? Mas nakaka-in love ang isang taong todo effort para sa’yo. Malalaman mo kung totoo ang feelings niya para sa’yo. Hindi nasusukat lang ng mamahaling regalo, o masasarap na pagkain na binibigay mo sa kanya ang pag-ibig niya. Dahil kahit sinuman sa atin, alam kong mas mamahalin nila ang isang tao kung effort ang pinapakita nila sa atin.

(c) Miss Katrina

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento