Sa simpleng mali mo, nadamay lahat.
Sa simpleng katangahan mo, nadamay lahat.
Pero isa lang iniisip ko, ganito na ba ako kasama? Oo, nagkakamali ako.
Bilang isang teen-ager, oo pasaway ako, di talaga maiiwasan yun.
Matatanung ko na lang sa sarili ko, " Ganito na ba ako kasama? ".
Oo, di ako nag-aaral ng maayos, oo tumatakas ako para makalabas.
Oo, nagpupumilit ako pag di ako pinayagan sa isang bagay na gusto ko.
Oo, may isip at utak na ako, pra malaman kung anu ang tama at mali.
Pero bakit ganun, di ko maiwasan gawin yung mali. Kasi dun ako masaya?
At alam kong hinde lang ako ang ganito, may iba din.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento