Linggo, Agosto 11, 2013

Kapag nagmahal tayo :

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong makuntento. Makuntento sa mga bagay na meron tayo. Sa mga bagay na ibinabato at ibinibigay sa’tin ng panahon at pagkakataon. Hindi ba’t ang mahalaga naman ay yung magkasama kayo, yung mahal niyo ang isa’t isa at yung nagkakaintindihan kayo. Sa mga ‘yun palang, alam mong wala ka nang hahanapin pa, kuntento na kungbaga. Masama ang maghangad ng sobra sa kung ano ang kayang ibigay ng bawat isa sa inyo. Kung hanggang doon lang talaga ang kaya niyang ibigay, tanggapin mo ‘yun. ‘Wag kang umasang magbibigay siya ng sobra sa nararapat niyang ipagkaloob sa’yo. Minahal ka niya sa paraang alam niya at  sa paraang kaya niya kaya dapat ganun rin ang gawin mo sa kanya. Makuntento ka at ‘wag nang maghangad pa ng pagmamahal ng iba kung alam mong may tao nang nakukuntento sa pagmamahal na ibinibigay mo.

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong maging mayabang. Mayabang sa paraang ipinagmamalaki natin sa iba ang taong mahal natin. Mahal mo kaya dapat proud ka at taas noo mong ihaharap siya sa mundo. Hindi mo dapat ikinakahiya, hindi mo dapat itinatago, at walang pagkukunwaring kahalo. Sino nga ba naman ang may gustong ikinakahiya siya at hindi proud sa kanya ang taong nagmamahal sa kanya hindi ba? Kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi naman hinihingi talaga na ipagmayabang o ipagmalaki mo siya sa iba. Ang ibig sabihin ko lang dito, na maging totoo ka, ‘wag kang magkunwaring wala siya. ‘Yun bang kapag tinanong ka ng, 'Are you in a relationship?', sabihin mo ang totoo, hindi yung magkununwaring single ka at wala siya sa buhay mo. Masakit ang i-deny, kaya kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo man ito sabihin ng derecho sa buong mundo, pero ang mahalaga, ay yung katotohanang kasama mo siya sa buhay mo. 

Kapag nagmahal tayo, natututo tayong lumayo. Ang paglayo minsan ang isa sa mga nagpapatunay na mahal mo talaga ang isang tao. Bakit ko nga ba nasabi ito? Ang paglayo o ang pagbibigay ng space sa kanya ay ang pagbibigay na rin sa kanya ng panahon para makapag-isip siya at pag-isipan ang mga bagay-bagay tungkol sa inyo. Hindi nangangahulugan ng pagkawala o pagtapos ng pagsasama niyo ang paglayo. Minsan, sagot pa nga ito o ito pa nga ang nagpapatibay sa pagsasama niyo. Sa panahong lumayo kayo sa isa’t isa, at sa panahong muling mag-krus ang mga landas niyo, doon niyo mare-realize kung ano nga ba talaga ang totoo, kung mahal niyo pa rin ba talaga ang isa’t isa o hanggang dito na lang ba talaga kayo. 

Kapag nagmamahal tayo, natututo tayong gawin ang iba’t ibang bagay alang-alang para sa minamahal nating tao. Ang tama ay nagiging mali at ang mali ay nagiging tama pagdating sa ‘Love’‘Nothing is impossible’ kungbaga. Gagawin mo ang lahat, mahirap man ito, masaktan ka man, o kahit pa mukhang imposible ito para sa’yo at para sa ibang tao. Mahal mo, kaya kahit ano, gagawin mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento