Linggo, Agosto 11, 2013

Kuntento.

Bakit nga ba minsan napakahirap para sa’tin ang makuntento sa kung anong meron tayo? ‘Yung bang meron na tayong sapat pero maghahangad pa rin tayo kahit hindi na dapat. ‘Yun bang ibinibigay na sa’tin, yung kumpleto na tayo, yung meron na tayo ng kung anumang kailangan natin, pero bakit minsan ginugusto pa rin nating magkaroon ng higit pa sa nakalaan para sa’tin? Isa ito sa masasabi kong sakit natin, lalo na pagdating sa aspeto ng pag-ibig. Minsan hindi tayo makuntento sa isa, minsan nga nagda-dalawa tayo o higit pa sa dalawa. Bakit nga ba humahantong tayo minsan sa ganito? Yung isa lang ang puso, pero ginagawang dalawa. Alam kong alam niyo yung kantang, ‘Sana dalawa ang puso ko…’, pero sabi sa kanta, ‘Sana’, hindi naman sinabing dalawa ang puso mo diba? Isa lang ang puso mo kaya dapat ipagkaloob mo rin ito sa iisang tao. Aaminin ko, minsan ganito ako. Meron na nga, pero naghahanap pa rin ng iba. Kumpleto na nga pero bakit minsan parang may kulang pa? Ang hirap kasing iwasan sa totoo lang diba, na makakita ka ng isang bagay na wala sa kung anumang meron ka na sa ngayon sa iba. Pero hindi naman pwede ‘yun, kasi kung mahal mo siya, may kakulangan man siya, dahil nga sa mahal mo, parang kumpleto na.

Isa lang ang puso mo, ibigay mo para sa iisang tao. Ganun naman dapat diba, hindi yung isa lang ang puso mo, pero ibibigay mo sa maraming tao. Kapag nagmahal ka, siguraduhin mong isa lang siya. Mahalin mo siya ng buo hindi yung hahanap ka ng butas para makakita ng mga kakulangan niya at para mahanap mo ito sa ibang tao. Matuto tayong makuntento, yung kung anuman siya, mahalin mo siya. Alam kong mahirap, ‘yun bang may hinahanap ka pa rin tapos sa iba mo makikita. Minsan kasi ganito tayo, ‘yun bang dumadating tayo sa punto na maghahanap tayo ng ibang katangian na wala dun sa taong kasama natin ngayon. Pero kasi alam nating mali ‘yun diba? ‘Kung talagang mahal mo siya, hindi ka na titingin sa iba.’ Kung pano mo siya minahal noon, dapat hanggang sa huli ganun pa rin. Minahal mo siya at itinuring mong kumpleto noon, kaya dapat hindi mo siya hahanapan ng kakulangan sa ngayon. Pagiging kuntento ‘yun dapat ang gawin natin. ‘Wag na tayong maghangad ng kung anumang higit pa sa sapat na ibinibigay sa’tin. Kaya nasa sa’tin ‘yun kasi ‘yun ang nararapat para sa’tin, ‘yun ang tama, ‘yun ang dapat. Katulad ng kung sinoman ang kasama mo ngayon, andyan siya kasi siya ang ipinagkaloob sa’yo. Mahalin mo, igalang at irespeto. ‘Wag na sana dumating pa sa puntong kahit na alam mong kumpleto na siya, pipilitin mo pa ring may kakulangan siya para lang masabi mong mas karapat-dapat yung isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento