Anong klase akong kaibigan? Ako, di ako plastic, at lalong di ako nakikipagkaibigan sa plastic, kung pinaplastic man ako, di ako gumaganti. Hinahayaan ko lang sila, atleast ako, naging totoong kaibigan ako sakanila. Madali lang makuha yung trust ko, pero isa lang natutunan ko, hinde dapat ganun. Oo, hinde talaga dapat ganun, lalo na yung mga pinagsasabihan ko ng secret, sa dami ng pinagkatiwalaan ko, at sinabihan ko ng secret. Napunta sa wala, mga walang kwentang kaibigan, na hinde marunung tumupad sa usapan. Na walang tikom ang bibig at hinde alam ang salitang SECRET. At sabihin na nating Privacy?
Anong klase akong kaibigan? Pwede mo akong pagkatiwalaan at pagsabihan ng problema or kwentuhan ng kahit ano, may sense man, owala. Pag sinabe mong secret, wala talaga akong pagsasabihan, ayoko ng may naaargabyado akong kaibigan, handa nga ako makipag-away e, pero ayoko ng physical, hinde tama yun. Hinde dahil sa takot ako, pero parang pinakita ko sa iba na wala akong pinag-aralan. Diba?
Anong klase akong kaibigan? Malambing, lalo na sa babae na mas bata sakin, nilalambing ko yun na parang kababatang kapatid, di ako FC, masaya lang talaga ako kasama, fun to be with ika nga.. Minsan, may time talaga na namimili ako ng kaibigan, ayoko kasi nung mga babae na, tinitignan ako mula ulo hanggang paa. iba dating sakin nun, ni minsan di ko ginawa sa ibang tao yun, nagtataray ako, sa taong iba yung dating ng tingin sakin.
Anong klase akong kaibigan? Hmm, mapagbigay ako sa kaibigan. Oo, giver ako e, hanggat may maibibigay ako, ako yung taong minsan, lagi lang napapa-oo sa lahat ng bagay, sige lang ng sige, kahit ayaw ko, sige lang ako ng sige, basta ikakasaya mo. Ewan ko e, hinde ko magawang mag-hinde sa isang bagay, sabi nila sakin, wag daw akong ganun kaya naaabuso ako ng iba dahil sa kabaitan ko.
Anong klase akong kaibigan? Makulit kasama, panay tawa lang ako, simpleng bagay, tinatawanan ko. Mahilig ako makipag-asaran, at marunung makisabay sa trip hanggat nasa lugar. May common sense ako, di ako nagsasalita ng ikasasama ng loob ng kaibigan ko. Di ako namamahiya. Di ko ugali yun. Pero minsan, taklesa ako. Taklesa talaga, without bad words. :D
Anong klase akong kaibigan? Kung ako sayo, kilalanin mo na lang ako. Kung di moko type maging kaibigan, okay lang sakin. Walang problema yun, pero once na nakilala mo ako. Promise, magiging masaya ka. Chos!