1. Kapag may pag-ibig hindi na natin kailangang bumangon dahil kahit kailan hindi na tayo babagsak, hindi na natin kailangang lumaban dahil wala nang mananakit. Hindi lamang yung pag-ibig sa dalawang tao (romantic love) kundi pag-ibig sa Diyos, kapwa, bayan, sarili.. kapag may pag-ibig, magiging masaya na ang lahat. Wala nang paano kung at bakit ganun. Ang kailangan natin ay pag-ibig. ayun lang.
2. Hindi masamang magmahal. Wag lang sobra. Baka kasi pagdumating yung araw na iwan ka niya, wala nang matirang pagmamahal sa puso mo kasi naibigay mo nang lahat. Mahalin mo rin ang sarili mo. Kung nakakapagsalita lang ang puso natin siguro ang sasabihin niya: “Ui! Magtira ka naman para sa sarili mo!”
3. Dapat wala nang advice for the day. Kahit ako, hindi ko nasusunod. Kasi ang puso parang tao, matigas ang ulo. Paniniwalaan ang gusto. Kaya ang ginagawa ko, iniisip at pinaniniwalaan ko na lang yung mga nagpapasaya sa puso ko kahit minsan nasasaktan na ako. OK lang, manhid na ako. Sanay na akong masaktan. Ikaw, sanay ka na rin ba?
4. Grabe, siksikan talaga sa MRT.. ang daming tao. Yung umupo ako, may sumiksik na lalaking mataba. Buti na lang payat ako. Asar na asar talaga ako kasi naiipit na yung hita ko. Namanhid nga eh. The lesson is: “Wag mong ipagpilitan ang sarili mo para hindi ka makasakit ng ibang tao.” (applicable pala yan sa LOVE)
5. “Mahal kita, Mahal mo ako, pakielam natin sa ibang tao.” Ang mahalaga lang ay yung alam niyong masaya kayo sa isa’t isa SA TAMANG PANAHON, SA TAMANG PAGKAKATAON at SA TAMANG PARAAN. Madaling maging masaya sa piling ng isang tao basta’t alam mong wala kang natatapakang iba. The lesson is: Love the right ONE at the right time, at the right place, and at the right way.
6. You know what are good things about LONG DISTANCE RELATIONSHIP ay yung Faithfulness niyo sa isa’t isa. yung distance niyo that triggers yung “I MISS YOU” feeling. The lesson is: Turn your weakness into strength.
7. Sabi nila, masama daw ang LOVE TRIANGLE. Nakakasira daw ito ng relasyon.. pero may isang love triangle na nakakapagpatatag ng relasyon. Alam niyo kung sino? ikaw, ako at yung nasa TAAS. :) Keep God at the center of your relationship.
8. Sabi nila, sa pag-ibig, ang lahat ng tao ay nagiging tanga. Pero hindi ako naniniwala dun. Walang taong tanga sa pag-ibig.. Siguro kaya nangyari yun ay baka “NAGKATAON LANG.” Nagkataon na masaktan para gumaling. Iwanan para makita ang totoong kaibigan sa buhay niya. Lokohin para malaman niyang may mas higit pa sa taong iyon na magmamahal sa kanya. Lahat ay NAGKATAON LANG.
9. Lahat ng tao napapagod. Nagkakasakit. Nanghihina. Ang PUSO ay parang TAO. Ang kaibahan nga lang, kapag ang tao nasaktan o nagkasakit, nandiyan ang tindahan para makabili ng gamot.. pero ang PUSO, mahirap makahanap ng lunas sa sakit na idinulot ng pagkakataon, pag-ibig at tadhana..
10. Sapat na ba ang I love you at I love you too? Sapat na ba ang I care for you and I always do? Sapat na ba ang I will and I do? Ang gusto ko lang yung yakap niya, ang gusto ko lang ay yung nandiyan siya kasama ako, yun lang, sapat na.
11. Natanong mo na ba sa sarili mo: Mahal ba niya ako dahil mahal niya ako talaga o mahal niya lang ako kasi natatakot siyang saktan ako? Natanong mo na rin ba sa sarili mo: Mahal ko ba siya dahil mahal ko siya o mahal ko siya dahil mahal niya ako? “sa madaling salita: AWA vs. PAGMAMAHAL”
12. Ang hirap bumitiw sa taong ayaw kang pakalawan. Yung tipong ayaw mo na pero gusto pa rin niya. Ang hirap kumawala. Natatakot ka kapag iniwan mo siya, baka saktan niya sarili niya. Konsensiya mo pa yun. The advice is “Take the risks.”Mas mabuti nang masaktan mo siya ng sobra at biglaan kaysa naman hindi mo nga siya sinasaktan, pero ikaw mismo ang nananakit sa sarili mo.
13. Nakakasakal na ba? Sobra ka ba niyang kinokontrol? Huwag mo nang paabutin sa puntong pati paghinga mo ay kailangan mo pang ipagpaalam sa kanya. May sarili kang buhay.. May sarili kang pagdedesisyon.. Kung talagang mahal ka niya at nirerespeto ka niya, matuto siyang unawin na pareho lang kayong tao – NASASAKTAN at napapagod din.
14. Hindi porket sinabi niya sayong mahal ka niya ay mahal ka niya talaga. Maaaring galing lang ito sa mapagkunwaring salita. Malalaman mo kung mahal ka ng isang tao kapag nararamdaman mo na mahal ka niya.. hindi lamang sa salita, kundi dapat rin sa gawa. :) (emo mode) Good evening and goodnight.
15. Nilakad ko mula Blumentritt hanggang Balintawak dahil sa traffic. Lesson learned: Don’t lose hope. May ibang jeep pa na magsasakay sayo sa gitna ng daan. At sigurado ako na siya na ang maghahatid sa nais mong puntahan. :) Gets? Don’t wait… Move. “faith without action is dead.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento