Linggo, Setyembre 15, 2013

Okay na sana e.

Okay na sana e, desidido na ako magbago. Desidido na ako baguhin yung problema sa ugali ko, sabi ko pa naman sa sarili ko, pag nakapag-aral ulit ako. Mag-seseryoso na ako. Ipapakita ko sa magulang ko na magtitino ako. Pero wala e, discourage lang talaga yung natatanggap ko sakanila. Puro discourage, oo nakakagawa ako ng pagkakamali, oo nagbabarkada ako. Pero di'ko naman ikasisira yun e, akala ng magulang ko, nagloko ako dahil sa pagbabarkada, pero ang di nila alam, yung barkada ko ang nagtutulak sakin para mag-tino. Ako lang talaga ang matigas ang ulo. Pati barkada ko, nagiging masama ang image ng dahil sakin, diko talaga maiwasan yung barkada ko kasi dun ako nagiging masaya. Pero nitong oras lang, nitong araw lang, nagkasagutan nanaman kami ng papa ko. Alam kong masama loob nya sakin kasi nung isang gabe, halos madaling araw na ako umuwi. Kasi nilubos ko lang yung oras na kasama ko kaibigan ko, at nung araw na yun, yung lang din yung araw na lumabas ako. Sabi pa ng papa ko, gawain daw ba ng matinong anak yun? Alam kong hinde. Pero diba? Halos ipagduldulan na nya sakin na wala akong mararating sa buhay ko, na wlang akong kwentang anak, na kesyo bahala na daw ako. Dinuro at minura pako. Nanlalamig ako. At the same time, nalulungkot. Nagbago nanaman ulit yung pananaw ko. Sa bahay, may makita syang mali, ako agad tatanungin, pag hinde ko nasagot ng tama, ako bubungangaan. Ako na lang lahat. Sige, ako na lang. Gusto ko naman magtino e, matino naman talaga ako e. Masama na ba ako sa paningin nila? Lahat na lang e. Minsan talaga, isang pagkakamali mo, masisira talaga yung tiwala nila e. Pero wala, that's life.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento