Kapag nalaman kong lalabas tayo, hindi ko mapigilang ma-excite.
Alam ko kasing masaya yun at uuwi akong naka ngiti matapos kitang
makasama. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako kasaya kahit pa
minsan napaka corny naman ng mga jokes mo, natatawa parin ako. Ganon ba
talaga kapag espesyal sayo ang isang tao? Parang halos lahat ng ibato
niyang joke nakakatuwa at kahit pa nga gaano ka nonsense mga pinag
sasasabi niya minsan, pakikinggan mo parin siya. Kahit pa paulit ulit
ang mga kwento niya, nakikinig ka parin. Maski mga kilos niya napapansin
mo rin. Mga galawan niyang sablay na imbis na ika-turn off, natatawa ka
na lang. Kahit pa magaslaw siya minsan kung kumilos, ayos lang sayo,
tanggap mo parin siya. Daig mo pa ang cctv camera kung makatingin sa
bawat kilos at galaw niya. Wala ka na halos pakialam sa ibang tao, basta
ang focus mo sa kanya lang na para bang sa kanya lang umiikot mundo mo.
Sa mga oras na kasama mo siya, wala kang ibang ginawa kundi ang ngumiti
ng ngumiti ng ngumiti. Minsan parang tanga ka na pero hindi mo talaga
mapigilan kasi nga masaya ka. Hiling mo na sana nga huminto man lang ang
oras habang mag kasama kayo tipong wala sana munang bye-bye.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento