Martes, Setyembre 10, 2013

Doppel Ganger.

Alam nyo ba? Dalawang beses na akong na DOPPEL GANGER? Sa mga di nakakaalam. a doppelgänger (German for look-alike, literally a "double goer") (pronounced [ˈdɔpəlˌɡɛŋɐ] ) is a paranormal double of a living person. It also describes the sensation of having glimpsed oneself in peripheral vision, in a position where there is no chance that it could have been a reflection. (c) Wikipedia

Una kong doppel ganger. Sa school namin, nung first year highschool ako. May araw nun na hinde ako pumasok, tas kinabukasan, syempre pumasok na ako. Nung nakasalubong ko yung schoolmate kong babae, binati nya ako. Binati ko rin sya, tas bigla syang nagsalita. Ang sabi nya, "A2, di ka namamansin kahapon." Nagtaka ako, sabi ko naman. "Ha? E hinde naman ako pumasok kahapon." Tas nagulat sya, sabi nya kasi, nakita nya ako sa comfort room kahapon sa school, nakatingin lang daw ako sa salamin, tas nagsusuklay, binati daw nya ako pero di ko daw sya pinapansin o tinitignan. Kaya umalis na lang daw sua. Tas parang poker face daw yung expression ko nun. Syempre, nagulat ako. At the same time, kinakabahan kasi once na akong nakakita ng anino ng babae sa wall ng comfort room namin, yung anino, malabo ang mukha at nakadress na white. Nung nakita ko yun, pinagpawisan ako at di makagalaw, pero pumikit ako ng matagal. Pagdilat ko, wala na yung anino sa wall. Nakakakaba, kasi sa dami ng gagayahin, ako pa talaga? Di ko malilimutan yun. :/

Pangalawa naman, mismong sa bahay namin! Mismo sa bahay namin, ang nanyare nun, exact 4am, nagising ako nun para maligo kasi papasok ako sa school, naabutan kong nagco-computer yung hipag ko tsaka pamangkin kong natutulog dun sa crib sa sala. Edi ayun, direcho lang ako sa kusina kasi dun ko naisampay yung uniform ko, nagtaka ako, pagbalik ko sa sala, yung hipag ko wala na, pati anak nya. Tas patay agad yung ilaw, edi binaliwala ko lang. Tas ayun, kalaunan, bigla na lang akong nagtanung sa hipag ko, kung bakit pagbalik ko, wala na sya agad. Bigla syang natauhan, ayun. Bigla nya kiniwento sakin, kasi habang nagppc sya, may nakita syang nakatayo sa tapat ng CR namin, naka-itim. Nung tinignan nya, AKO DAW. As in yung mukha ko, nakatayo lang daw ng direcho ako, nakatingin sakanya, ni hinde daw kumurap yung mata at poker face din. Nung una, nagtaka sya kasi nung lumabas nga ako ng kwarto, iba suot ko. Kasi nakapantulog ako, pero yung sa tapat ng CR, naka-itim. Natakot daw sya, kaya ang ginawa nya, tumingin sya ulit sa monitor, at pagkatingin nya sa CR, wala na yung kamukha ko. Kaya bigla sya tumakbo sa kwarto, pinatay daw nya agad yung pc tsaka kinuha yung baby sa crib. Kinilabutan ako nun, sa totoo lang. Pangalawang beses na e. :3 Sana nga, di na maulit e.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento