Nabasa ko somewhere.
- Minsan ang pag-ibig parang bagong gamit, sa una lang inaalagaan.
Dapat di ganun, dapat para ‘tong gamit na may sentimental value. Hindi
natin hinahayaang masira, malamatan o kaya mawala. Ituring natin ‘tong
isang bagay na may mataas na halaga. Dapat ituring natin ‘tong parang
ginto na kapag nawala, mahirap na ulit makahanap at makakuha.
- Ang sarap kapag nandun na kayo sa stage na kumportable na kayo sa
isa’t isa. Yung kahit matulog kayo ng mag katabi, eh ayos lang. Yung
kahit anong sikreto, nasasabi niyo sa isa’t isa. Yung mag uusap kayong
dalawa, hanggang sa makatulog na kayo. Tapos pag gising mo, pag mamasdam
mo siya. Maiisip mo kung gaano ka kaswerte na mapasakanya. Ang sarap sa
pakiramdam na alam mong nandiyan siya, na may sasandalan ka sa tuwing
malungkot ka o kapag may pinagdadaanan ka. Yung taong susuporta sayo,
ipagtatanggol ka, papangitiin ka… Yung taong hindi ka pababayaan. Sa mga
ganyang panahon, parang ang sarap nalang itigil yung mundo. Yung parang
gusto mo itigil yung oras para makapag sama kayong dalawa ng mas
mahaba. Yung ayaw mo nang umalis sa tabi niya, gusto mo lang maramdaman
yung dampi ng kamay niya sa mga kamay mo.. Ang sarap sa pakiramdam diba?
Yung nararamdaman mong safe ka sa piling niya.
- Magmahal ka ng taong marunong makinig. Dahil
sa relasyon, komunikasyon ang pinakamahalagang bagay na magpapatagal at
magpapatatag sainyong dalawa, at pag magkausap kayo, dapat marunong kayo
mag bigayan sa isa’t isa, hindi pwedeng sabay kayong masalita dahil
hindi kayo magkakaintindihan. Humanap ka ng taong marunong magpaubaya,
taong mahaba ang pasensya na hihintayin kang matapos mag salita at
iintindihin ang mga sinabi mo. Tandaan mo, lahat ng tao marunong mag
salita, pero hindi lahat marunong makinig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento