Kapag ako naging girlfriend mo.Gagawin ko lahat ng
makakaya ko para mapasaya ka. Alam ko, sinasabi ng karamihan na
responsibilidad iyon ng lalaki, pero hindi e, para sakin kasi ang
dalawang taong nagmamahal ay parehas na may responsibilidad na
paligayahin ang taong mahal niya. Yun din kasi ang isang dahil sa
nagdadala ng maayos at masayang relasyon na ikaw bilang isang kabiyak
niya, bilang isang babaeng minamahal niya, bilang isang nagiisang babae
sa buong buhay niya ay magiging simplepero nagiisang dahilan ng
kasiyahan niya simula pa sa una kanyang makilala hanggan sa panahon na
kayo parin ay magkasama.
Kapag ako naging girlfriend mo. hindi ko man mabigay
sayo ang lahat, ang pinaka na meron sa ibang tao, sa ibang
magkarelasyon pero ibibigay ko kung ano ang mas mainam sa lahat, hindi
man ito ang pinakamamahalin na gamit, pinakamaganda sa paningin ng iba,
hindi man ito ang pinaka the best para sakanila, simple man ito sa ibang
bagay pero ito ibibigay ko na may kasamang puno ng nagpapamahal at
effort ng kasiyahan dahil mahal na mahal kita.
Kapag ako naging girlfriend mo. Uunawain kita,
pagpapasensyahan at iintindihan higit pa sa limitasyon na kaya ko.
Naniniwala kasi ako na responsibilidad yun ng isang babaeng may
karelasyon, na palawakin pa ang pagkakaintindi niya sa isang sitwasyon,
kasi karamihan ang lalaki mismo ang nalalagay sa complicated na
sitwasyon. Sa sitwasyon medyo hectic na di naman inaasahan o minsan sa
mga sitwasyon di mo naman aakalain na mangyayare. Yung patawad at
pagkakaintindi ko sa mga bagay na yan ay palalawakin ko pa para hindi
ako kagad magagalit sayo, magseselos o magtatampo, para sa dulo ng mga
bagay na yun mahinahun kong sasabihin o tatanungin sayo kung ano ang
problema at sabay natin itong susulusyunan.
Kapag ako naging girlfriend mo. Sisiguraduhin ko na
ikaw lang ang lalaking mamahalin ko sa panahon tayo pa, at hanggan sa
panahon hihingin mo na ang aking kamay sa harap ng aking mga magulang
paharap sa altar na ating sabay na pagsusumpaan. Ikaw lang din ang
lalaking magiging suporta ng kaligayahan ko kahit na medyo dumaan tayo
sa pinaka komplikadong sitwasyon at di maayos na pagkakaunawaan. Mas
uunawain ko na timbangin ang bigat ng pagmamahal mo sakin kesa sa mga
bagay na pwedeng makasira sa ating nasimulan. Sisiguraduhin ko din na
makukuntento ka lang sakin at hindi na mag hahangad pa ng iba.
Kapag ako naging girlfriend mo. Hindi man ako ang
pinaka-perpektong babae sa mundo na maging isang kabiyak ng puso mo.
Hindi mo man makita sakin ang ilan na bagay na hinahanap hanap mo sa
isang babaeng natatangi sa buhay mo pero handa kong baguhin ang lahat na
nais mo para maging isang mabuti at tapat na kasintahang babae para
sayo. Mamahalin pa kita ng higit pa sa una kong pagmamahal sayo,
mamahalin pa kita sa bawat araw na lumilipas, mas mamahalin pa kita
higit pa sa inaakala mo. At papatunayan ko sayo ang lahat ng bagay na
ito. Dahil sabi ng puso ko ikaw lang at wala ng iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento