Sabado, Setyembre 14, 2013

Memories.










Sya pala si ERILYN AVORQUE. Di ko masabi kung Bestfriend ko ba sya, or sister. Pero bestfriend talaga yung tingin ko skanya. Since 2nd year, nagkakilala kami. Bagong lipat ako sa school, JCSGOCA. Medyo weird sya, kasi simple lang talaga sya. Once na kaming nagkakwentuhan, nagkapalagayan kami ng loob, Pero nung manunuod kami ng theater tour, we decided na kami yung magpartner. Magkatabi kami sa VAN, tas ayun, kwentuhan to the max, tungkol sa ugali nya, sa ugali ko, sa background nya, sa background ko. Pero nagulat ako, anak pala sya ng pastor namin sa school. Dun na nagsimula, niyaya nya ako sa church. Dumating sa point na, ako ang unang una nyang cell member. Na naging Christian ako, na baptist ako, ayun! Naging ka-close ko yung family nya. As in close, na tila anak na din ako. Halos dun na ako natutulog sakanila, dun na ako kumakain, tas minsan, lagi din akong may pasalubong sakanila. Umabot ng 4th year, walang nagbago. Magbest parin kami ni erilyn, sobrang special sakin ng babaeng yan. Yung tipong, okay lang kahit wag na akong mag boyfriend, kasi nandyan naman sya. Kulang na nga lang maging tibo ako e. HAHAHA. Pero love na love ko talaga si erilyn, binibigay ko nga lahat ng gusto nya e, para nga akong nanliligaw e. HAHAHAHA. Dahil kay erilyn, nakakilala ako sa Diyos, natuto akong maging matured, natuto akong magsungit, natuto akong kumanta, basta maraming naitulong sakin si erilyn. Suportado ako nyan lagi. Lalo na sa problema, alam na alam lahat ni erilyn yung buhay ko, alam na alam ko din yung buhay nila ng pamilya nila. Ganun din naman ako skanya, pero medyo nakakalungkot kasi nung natungtong na kami sa college, nagbago lahat e. Siguro, ng dahil sakin din. Nagstop ako magcharge, di na ako nadadalaw kay erilyn, pero naalala ko, minsan pupunta pa ako sa bahay nila para maghatid ng pasalubong. Hahahaha. Effort no? Pero ngayun, medyo di na kami nagkikita. mag 5 years na nga kami sa next march e. Pero wala namang nagbago sa pakikitungo namin, alam kong namimiss din nya ako. Di ako makakalimutan ni erilyn, ako ba naman naging girlfriend nya since 2nd yr til 4th yr e. Hahahahahaha. Pero miss ko na sya, miss ko na ang CHURCH, miss ko na lahat lahat nung nasa Panginoon pa ako. Syempre miss na din ako ni LORD. Sigh :3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento