Linggo, Setyembre 8, 2013

Drama.

Hindi ka naman mabilis magsawa. 
Nawawalan ka lang ng gana pag lagi kang binabalewala.

Eto yun e, sa isang relasyon, hinde pwedeng mawala ang EFFORT. Oo, effort. Kahit simpleng effort lang. May iba kasi na kapag wala nang effort, iniisip na kesyo sawa na, kesyo ayaw na. Kahit sabihin nating busy kahit sa anumang bagay or anumang reason. Uso magpaalam, uso mag-excuse? Para yung partner mo, hinde nag-iisip ng kung ano-anu. Tama? Sa simpleng paalam, maiintindihan naman e. Sinu ba naman kasi yung may gustong nababaliwala? Diba, wala? Kaya may ibang magkarelasyon, na kapag nabawaliwala, or wala nang effort, napupunta sa break-up. May bibitaw na isa, may maghahanap ng iba, at ang masaklap, yung may papasok na ibang tao na magtutuon ng atensyon. Gets nyo? At anu naman yung irarason nyo? Kelangan ng TRUST? Paano kung ikaw lang yung may TRUST, tas di mo pala alam, yung isa  pinagmumukha ka ng tanga? Yung totoo, sa panahon ngayun, mahirap talaga makahanap ng isang seryosong relasyon, nakakatakot kapag binigay mo lahat pero napunta sa wala. Oo, nandyan si PROMISE, nag promise kayo ng kesyo ganyan kesyo ganto, pero may kasabihan tayong PROMISES MEANT TO BE BROKEN? Ang gulo ko no? Pasensya na, may pinaghuhugutan lang. Anu ba nararamdaman ko ngayun? Sabihin na nating, natatakot ako. Oo, natatakot ako na yung mahal ko, mawawala sakin. Kasi pinagppray ko na sana sya na, na sana kami na talaga. Pero hinde mawawalan ng problema e. Ayoko na mawalan kami ng EFFORT sa isa't isa. Ayoko mag-kasawaaan kami sa isa't isa. Ayoko mapunta sa wala yung pinagsamahan namin. Ayoko na mabroken yung promises namin. Siguro nga TRUST talaga yung kelangan, pero sana, parehas kaming may TRUST sa isa't isa. Yun lang naman yune :/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento