Sabado, Setyembre 7, 2013

BANGAYAN?

Sa isang relasyon, Mas maganda talaga pag nagkakaintindihan kayong pareho, yung tipong aalisin nyo yung PRIDE nyong dalawa, para lang maayos kung may mga bagay mang pinag-awayan or di pinagkaintindihan. PRIDE lang  talaga, or pwede ring sabihin na MAKITID ANG UTAK. Sa isang relasyon, pag may makitid ang utak, kelangan talaga may isang matatawag na matured mag-isip e, paano kung parehong immature? Aba, ano na lang mangyayare? Mas maganda sa isang relasyon na napaguusapan ang problema, kahit simpleng problema or malaking problema man yan.

Unang-una, dapat kilala mo yung girl/boyfriend mo, kung anu ugali. Dapat marunung kang makiramdam kung kelan ba sya galit, masaya at malungkot. Kasi may iba na, hinde mo talaga mababasa sa mata o isip na galit pala sya. May iba, hinde talaga showy, at may iba naman na talagang pinapakita kung anu nararamdaman nila. Once na galit, masaya at malungkot sila. Diba? 

Pangalawa, pag galit ang isa sa inyo, seryoso, wag nyo sasabayan. Kung galit man sya, edi hayaan mo lumamig yung ulo nya, hinde yung makikipagsabayan ka din sa galit. Once na nagkasagutan kayo, iba-iba na yung lalabas sa bibig nyo. Pwede mo sya suyuin, pero pag sinabe nyang wag muna makipag-usap, edi sundin mo. Pag lumamig na sya, tsaka nyo pag-usapan kung anu yung problema. Diba? Ganun lang kadali yun.

Pangatlo, wag na wag nyong hahayaan na matutulog kayong magkagalit. Nako, ang hirap makatulog nun ah. Yung tipong pipikit ka na nga lang para matulog, pero may babagabag at gugulo sa isip mo, mahirap ang may kasamaan ng loob, panget kasi na aabutin ng ilang araw yung pag-aaway nyo. Mas magandang naayos agad. Pero depende parin sa pinag-awayan, diba? Pero kung simpleng away lang, nako! Wag mag-inarte. Walang magandang maidudulot yan sa isang relasyon.

Pang-apat, matutong mag-sorry. Kahit sya man yung mali, o ikaw ang mali. Ayun, wag kakalimutan mag-sorry. Di mo naman ikamamatay ang pag-sosorry, pero once na nagsorry ka, tinanggap mo na ikaw yung may pagkakamali, meaning... Nilunok mo pride mo? Pero okay ngayun diba, ikaw na yung nakipag-ayos. At ikakagaan ng feeling mo yun. Atleast, nagawa mo yung part mo. Wala kasing mang-yayari kapag maghihintayan kayo ng sorry e. Haynako, wag tanga. K?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento