Biyernes, Setyembre 6, 2013

Being sweet.

Hindi ako magsasawang maging sweet sayo.. 
Kung mayroon man isang bagay na di ko pagsasawaan, yung ay yung maging sweet sa taong mahal ko. gusto ko pagdilat ng mata niya, text ko kagad unang mababasa niya. o kaya naman pag magkasama kami, mata ko kagad ang unang makikita niya. bago naman matulog, syempre gusto ko text ko padin ang huling magpapakilig sakanya. gusto ko matutulog siyang may sweet smile sa labi niya, gusto ko matutulog siyang masaya. mag-aaral din ako magluto kahit hindi ako marunong. gusto ko kasi pag dumating yung time na magsasama na kami, lulutuan ko siya ng paborito niyang pagkain. iingatan at aalagaan ko siya na parang baby. kasi ayokong maghanap siya ng iba para maranasan lang ang mga bagay na yun. hahawakan ko lagi ang kamay niya tuwing magkasama kami, patunay lang na nasa tabi niya ako lagi. hindi ako mahihiyang halikan siya kahit madaming nakatingin. pakelam ko ba sakanila? eh mahal ko naman yung hahalikan ko. lagi kong ireremind sakanya na akin lang siya. selfish na kung selfish pero wala kong pakelam. mahal ko yun at ako lang pwedeng umangkin dun. at higit sa lahat, hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam sakanya kung gaano ko siya kamahal. gusto ko kasi lagi nyang naririnig yun mula sakin. gusto ko ako lang din ang magsasabi sakanya nun. kasi mahal ko siya eh. at handa akong ipagsigawan sa mundo yun. ♥ (c) superayks

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento