Take time to realize *kanta* Chos. Ayun, kanina. Nagpunta kami ni papa sa makati, gusto nya kasi ng may kasama. Minsan talaga nagdadalawang isip ako kasama si papa kasi pagdating sa byahe, parehas kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Awkward talaga. Pero kanina, sa byahe. Si papa nagkekwento tungkol sa napagdaanan nila ni mama, sa kahirapan. Alam kong dadating sa punto na papangaralan nya ako. Walang katapusan pangangaral. Pero alam nyo? Lahat ng pangaral nya sakin, tumatagos sa puso ko. Iniintindi ko lahat yun, hinde yun lumalabas sa tenga ko. Lahat ng pangaral ng tatay ko, mahalaga sakin. Pero bilang kabataan, minsan talaga. Mas nakakagawa ako ng mali, kahit alam kong mali, gagawin ko parin. Bakit? Dun ako nagiging masaya e. Pero naisip ko, mali pa din. Parang di ko naisip yung magulang ko na nagpapakahirap sa ibang bansa, tas samantalang ako? Eto, puro Barkada. Gala. Pag-ibig. Di nag-aaral ng maayos. Kanina habang pinapangaralan nya ako, gusto kong maiyak. Lumuha ako, pero di ko pinakita. Nahihiya ako e, sa moment na yun. Ang dami kong iniisip, ang daming pumapasok sa utak ko. Ang dami kong gustong sabihin sa papa ko, na nagsisisi ako sa mga kasalanan ko, na gusto kong magbago, gusto kong maging seryoso sa buhay, na magtitino na ako, na mag-aaral ako ng maayos, na nahihiya ako sa sarili ko kasi ako na nga lang yung matino sa magkakapatid, pero eto, nagloko din ako. Nakakahiya talaga. Sabi ni papa, nagtatanung si mama kung bakit naging ganito daw ako? Gusto ko sabihin yung rason, anu ba yung rason bakit ako nagloko, hinde nagtino? E kasi dahil din sakanila, simula nung balak nilang maghiwalay, naapektuhan ako ng sobra. NagLAYLO ( Di alam spelling, sorry ) ako sa pag-aaral. Nawala ako ng gana sa buhay. Laging sinasabe sakin ng iba na, kung maghiwalay man daw magulang ko, wag daw ako magpaapekto, na kesyo hinde ito yung dahilan para magloko. Pasensya na, di ako ganun katibay. Kahit anung sabihin nilang pampalubag loob, sobrang apektado ako sa nanyari. Di ganun kadali sakin yun e. Pero syempre, di naman ako tanga para lang sirain yung buhay ko dahil dun. Naglaylo lang talaga ako. Pero eto nga, gustong gusto ko na mag-tino. Pero dahil sa pinakita ko, puro pang didiscourage ang natanggap ko. Alam nyo yun? Walang araw na di ako nasesermunan, sa isip isip ko, mahirap magbago, at mahirap ipakita na nagbabago ka kung puro discourage lang talaga naririnig mo. Pero yung papa ko, eto. Ineencourage nya ako. Kaya mahal na mahal ko papa ko, malaki tiwala nya sakin although nasira ko na yun, pero eto. Handa syang pangaralan ako. Gusto kong sabihin na, naiintindihan ko sya, na gagawin ko lahat yung sinabe nya sakin, basta bibigyan nya ako ng chance. Pero wala talagang lumalabas sa bibig ko. Kasi ayaw ko muna sabihin, ang gusto ko, ipapakita ko yung pagbabago ko. Hinde ganun kadali pero ipapakita ko yun. Hays, gustong gusto ko nga yakapin papa ko e. Nagtatanung nga sya kung mag-aabroad ako, sabi ko. OO, sabi nya, sinu daw mag-aalaga sakanya? Hahaha. Syempre ako pa din. Ako lang naman mag-aalaga skanya e. ♥
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento