Linggo, Hulyo 21, 2013

Well, that's life.

Siguro mahilig tayong umasa na sa likod ng kasiyahang naidudulot mo sa taong gusto mo eh mapapalitan ito sa tamang panahon ng bagay na gusto mo. Ano nga ba yung bagay na gusto mo/natin?  "Relasyon"? Pero…Minsan hindi mo alam kung masaya ba siya sayo o sadyang nakakatawa lang tayo. O kaya nakilala nila tayong masayahing tao kaya masaya siya satin at gusto nila tayo makausap.
Sa panahon kasi ngayon, karamihan sa taong magbibigay ng oras sayo. Papasok sayo na espesyal ka sa buhay ng tao na yun eh. Pero hindi. Nagkataon lang na pwede niya kayong pagsabayin dahil nagagawa rin niya at nababalanse yung oras niya sa iba. Tulad mo.. Kaya mo rin naman gawin yun eh diba? Pero yung faith mo sa sarili mo na sa kanya lang ang oras mo. At naiisip mo na “What if gusto ka rin ng taong yun?" Ayaw mong ipakitang may kinakausap or “nilalandi" na iba which is mainstream na basta may kausap ka ng ibang tao.
Yun bang sa likod ng mga halakhak eh napapalitan lahat iyon ng sama ng loob dahil pakiramdam mo na nakalimutan ka na niya. Tipong nakamasid ka sa kanya at nakikita mong marami siyang oras at yung oras niya sayo ay onti onti ng nawawala.
Dahil ba wala na siyang kailangan sayo? Kailangan na niya ng ibang taong magpapasaya sa kanya? Who knows? Wala tayo sa kalagayan nila.
Pero looking on a brighter side? Ginawa mo part mo :) Nagpakaloyal ka sa isang taong wala namang pakialam kung magiging loyal ka. Dun palang, malalaman mong swerte ang taong susunod mong mamahalin. Kung sa taong walang pakialam sayo eh nagawa mo na. Sa taong may pakialam pa kaya sayo? Huwag kang gaganti na dapat ganito na ang dapat mong gawin. Na kailangan mong maging masama para makapaghiganti. Huwag ka na gagaya sa kanila.
Iilan na lang ang matitinong tao sa panahon ngayon :)

Source: matabangutak

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento