Linggo, Hulyo 21, 2013

Basa basa.

Iba talaga ang Gusto at Mahal.

Gusto
Kapag gusto ka ng tao. Puro saya lang mararamdaman mo eh. Bihira ka lang masasaktan. Kumbaga na eenjoy mo yung process na nagkakagusto ka lang sa isang tao. Walang feelings.. Kilig lang, na aappreciate mo siya kapag andyan siya. Gusto mo siya kasi yung qualities nasa kanya.
Mahal
Eto naman yung time na nasasaktan ka na. You started to expect things. Akala mo kapag nagawa mo to, makukuha mo na ang gusto mo. Mag aassume ka na kapag ginawa mo yung effort na hinihiling niya eh mamahalin ka din niya. Minsan, mahal mo yung isang tao. Pero siya gusto ka lang. Gets niyo yung idea na pinaparating ko? Kung hindi pa, then read further. Naks. Haha! Ahm what I mean is napapasaya mo siya kasi gusto ka niya. Kumbaga, na appreciate niya yung every bit of effort mo sa kanya kasi nga gusto ka niya. Pero hindi ka pa niya mahal. Ikaw ang nagmamahal sa kanya kaya mo siya binibigyan ng atensyon at pinapasaya mo siya. Minsan gusto ka ng isang tao kasi nararamdaman niya yung pangangailangan niya bilang isang tao eh nasayo. Na fifill mo yun. Pero may pagkakataon na may iba siyang mahal. Pero hindi nawawala yung pagkagusto niya sayo.
Eto rin yung part na tatanggapin mo siya kahit ano pa siya. Kahit na sinasaktan ka niya. Tanggap mo siya kasi mahal mo siya. Dito madalas napupunta yung one sided love. Alam mo yun.. Yung gusto ka niya pero hindi pwede maging kayo kasi iba ang mahal niya. Pero gusto ka niya. Pero may pumipigil sa kanya para gumawa ng mga bagay na yun. Kumbaga ang hirap sa gusto ka lang eh parang ikaw yung option. At yung priority eh yung mahal.

Source: matabangutak

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento