Nakakasama o nakakabuti nga ba ang pag-aaway?
Nakakasama? Nakakasama ang pag-aaway lalo na't pag sobra o paulit
ulit. Ano yun, inaraw araw? Ginawang hobby na? Isinama na sa daily
routine? Nakakasawa kasi ang sobrang away e, tas mamaya mag-babati, tas
mamaya, away nanaman. Hanggang aabutin ng araw na magkaaway kayo, di
magpapansinan, tas magtitiisan kung sinu unang magsosorry at unang
mamamansin. Nako, walang mangyayare sa ganyang relasyon, kaya yung may
mga ganyang relasyon, nauuwi sa break-up e, yung may isang bibitaw na,
kasi ayun, sawa na sa away, kasi pagod na daw, kasi paulit ulit na daw,
kasi ang hirap ng ganung sitwasyon, kesyo nahihirapan. Pero wala naman
masama dun e, atleast naging totoo sya, mahirap kasi ipagpatuloy ang
isang relasyon kapag di kana masaya. Mahirap makulong sa isang sitwasyon
na di mo na gusto, no choice ka e, kahit mahirap gawin, mas kelangan mo
gawin kung ano yung ikasasaya mo. Diba?
Nakakabuti? May ibang naman na, oo nakakabuti. Kasi lalong
tumitibay yung relasyon, diba? Yan yung mga relationship na medyo walang
problema, yung okay sila. Walang problema sa isa't isa. May mga bagay
sigurong di napagkakasunduan, pero naaayos nilang mabuti. Yan yung mga
relationship na naguusap ng maayos, at sabihin na nating matured na.
Pero rare lang yung ganito e, tsaka dito mo masusukat ang isang relasyon
kung gaano katibay. May mga taong di bibitaw, kasi mahalaga sakanila
yung taong mahal nila. Nako, nakakainggit yung mga ganito. Yung kayang
ihandle yung pag-aaway nila, maayos ang relasyon kapag may isang galit,
dapat yung isa, tahimik lang. Yung hihntayin nya lang humupa yung galit o
away, pero depende sa pinag-awayan yan e. Diibuhhhhhhh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento