(c) Katrina Rose
Yung relasyon na…
- Legal. ’Di na
kailangang itago ang relasyon sa lahat. ‘Di niyo na kailangang isikreto
ang lahat. ‘Di na kailangang pagtago kung magkita, patago kung
maghawakan ng kamay. Nagagawa niyong magpunta sa bahay ng isat’-isa.
Tanggap kayo ng bawat pamilya ng isat’-isa. Tapos ‘yung mga magulang
niya, tanggap ka. ‘Yung magulang mo, tanggap siya. Masarap magkaroon ng
relasyon na legal.
- Parang magkaibigan. Nagsasabihan ng sikreto.
Nagtutulungan ‘pag may problema ang isa. Nagkukulitan. May matatakbuhan.
May makakasama sa tuwing malungkot ka. Iba din kasi ‘yung kahit na
karelasyon mo na siya, eh kaibigan mo rin siya.
- Parang mag-asawa. Inaalagan ang isa’t-isa. Wala ng turn-off turn-off. Tanggap mo ‘yung mga kapintasan niya. At wagas din kung kayo ay magmahalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento