Linggo, Hulyo 21, 2013

PH 1-2-3










Bakit PH 1-2-3? Nakatira kami sa iisang subd. Pero iba't ibang phase ang tinitirahan. Ako, nataga phase1, si Ishi na taga phase2, at sila na taga phase3. Yan ang tropa ko. Yan ang natatanging tropa ko. Kami kami lang lagi yung magkakasama. Laging foodtrip, laging nagkukulitan. Minsan naguusap ng seryoso pag may problema yung isa samin. Oo, masaya talaga sila kasama. Minsan, pag di ako lumalabas, namimiss ako agad ng mga yan. Wala daw kasi makulit. Dalawa lang kaming babae sa tropa. Minsan, kung sansan lang kami nagpupunta. Masaya ako na nakilala ko sila, paano ko ba sila nakilala? Hmm, Nagsimula yung sa bday ni ishi. Di talaga ako lumalabas ng bahay, niyaya ako ni ishi sa bday nya kasi magsswimming daw. At dun palang sa bahay nila ishi, sa rooftop. Nandun sila, mga nakaupo at ang iingay. Pinakilala ako ni ishi. Ayun, nung una, snob ko sila. Kasi maiingay talaga, mga nagkukulitan sila. Pero nung nasa resort na, ayun. Dun ko sila nakilala. Isa isa ko silang naging close. Although yung iba e, nagkagusto sakin. Pero wala lang sakin. Pero kalaunan, niyayaya nila ako na magpunta sa phase3 kasama si ishi, hanggang ayun, paulit ulit na lang kami nandun, tas nalaman ko, kami lang pala ni ishi yung tropa nilang babae. Tas naging magtatalik kaming magkakaibigan, sanayan lang sa bawat isa. May mga pagkagreen minded sila minsan magjoke. At kinasanayan ko na yun. Pero pag magkakasama kami, lagi silang nagbebeatbox at nag aasaran. Nung una, nakikitawa lang ako. Ngayun, isa na ako sa nangttrip. Ang saya kapag may tropa kang nalalapitan :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento