Martes, Hulyo 16, 2013

(c) Matabang Utak

Ano nga ba ang nararamdaman ng taong inlove? Ayun yung pakiramdam na madalas hinahanap ng karamihan. Para bang may liwanag ang lahat ng bukas na nag aantay sayo. Bawat tunog ng cellphone mo eh nakangiti ka kapag pangalan niya ang iyong nakikita. Pero sa malungkot na parte eh natututo tayong umasa kahit hindi naman nila tayo umaasa. Madalas nagmamahal tayo ng taong hindi naman tayo mahal o kaya hindi tayo napapansin. Siguro sa paraan na yun masasabi mong nagmamahal ka talaga. Kasi sa likod ng sakit na yun. Nakukuha mo pa rin ngumiti sa oras na nakausap mo na siya. Dadaigin pa ang huni ng mga ibon at tunog ng kuliglig sa kilig na iyong madarama.

Kaya ang tao handang makipaglaban at masaktan. Para lang maramdaman yung “Perks of being Inlove"
Kanya kanya naman tayo ng perspektibo pag dating diyan. Dahil iba iba ang taong ating minamahal. At kapag inlove tayo sa isang tao? Iba’t ibang karanasan din ang ibig sabihin niyan. Depende yan sa taong binibigyan natin ng atensyon. Pinapansin ka ba kaya mo nasasabi ang mga bagay na yun? O medyo mapait ang sinapit mo kaya medyo bitter din ang approach mo towards sa pagiging Inlove? Kanya kanya yan. Pero syempre, dun tayo sa may kilig. Libre naman eh. Ikaw pa may benefit. Kaso parang ang panget no? Pinakilig ang sarili. Magagawa naten? Mahal natin ang sarili natin eh. Improvise improvise din pag may time.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento