Lunes, Enero 13, 2014

THIS.

Ang madalas na problema sa relasyon eh yung kapag pinapalala pa yung away. Kunwari, ok na at nagsasabi na ng totoo ang gusto pa atang marinig eh kung ano yung iniisip niya. Para bang pinipilit mo siyang aminin yung bagay na hindi naman talaga niya ginawa. Paano kayo tatagal niyan kung simpleng tiwala lang hindi mo pa maibigay? Paano pa in the long run? Relasyon na puro duda? I don’t think so na gusto mo ng ganyan palagi. Parang wala ng masarap na tulog at gising niyan. Trust your partner kung naniniwala kang mahal ka talaga niyan. At kung sa huli niloloko ka lang talaga? Well problema mo ba yun? Edi isa lang yung patunay na sinayang niya ang isang tao na handang magmahal sa kanya. Not your loss yun kaibigan. Just keep doing the right thing.

(c) Matabang Utak

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento