Huwebes, Enero 16, 2014

NABATI.


Share ko lang yung nangyari sakin. Di ako naniniwala talaga sa pamahiin ng matatanda, lalo na yung pag nabati ka ng isang dewende, ng isang babae, mga ganyan, mga ganun. Past few days, pumunta ako sa kaibigan ko. Ang sigla sigla ko nun, pero kalaunan, bigla ako naging balisa, nanakit ulo ko. Na tila bibiyakin yung utak ko, nanghihina ako. Tapos yung mata ko nagluluha. Sobrang kati. Tila gusto ko na nga dukutin sa sobrang kati. Akala ko wala lang, bumili pa nga ako gamot pero walang epekto. Lahat ng nakakasalubong ko, tinatanung ako kung okay lang daw ako? Kasi yung aura ko ata, iba talaga. Yung iba, naawa sa mata ko. Mga ilang oras. Ganun parin talaga. Walang pagbabago. Panay luha parin ako, tas nanghihina. Si ate SHE ( Kaibigan ko ) Bigla ako hinawakan sa kamay ko. Nagulat ako kung anu gagawin nya. Tapos bigla nya pinagtapat yung kamay ko. Bigla syang nagsalita "Nabati ka alexandra". Nakita ko, hindi pantay hinliliit ko, sobrang haba nung isa, yung isa naman ang iksi. Yung reaction ko nun, sobrang pagtataka. Anu merun? Hahahaha. Parang ganon. Bigla nya ako pinapunta sakanila. Yun pala, ipapatawas nya ako sa mama nya, marunung mangtawas yung nanay nya. Diko alam talaga magiging reaction ko kung matatawa ba ako, kasi di ako naniniwala. Lalo na't Born again ako. Ang daming ritual na ginawa sakin. ALam naman nating lahat kung paano tinatawas ang isang tao diba? Pero yung moment na, bawat patak ng tunaw na kandila sa tubig. Unang patak, ang lumabas. KAHARIAN NG DEWENDE. Pangawalang patak, BABAENG NAKAGOWN. Pangatlo patak, ISANG MALAKING PUNO. Nabati daw ako ng isang babae. Sa Court daw mismo. Nagtataka ako. Babae? Tsaka nila kiniwento sakin na may babae daw talaga sa court na nakaputi, maski mga tropa ko, naikwento sakin dati yung nangyari sakanila sa court na habang kumakanta sila, may sumabay daw na babae. Tas dati daw, may nakalutang daw talaga dun sa court. Yun nga siguro yun, tapos pinatago nila sakin yung pinagpatakan na kandila. Dinasalan ako. Binalot tapos pinatago sakin. Pero naniwala ako kasi, pagkalapat ko ng kamay ko, pantay na yung hinliliit ko.  Totoo pala yun. Tsaka nawala yung sakit ng mata ko at ulo. Anyare? Hahahaha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento