Why cheesy? Ang sweet namin kanina. Nandun ako sa kanila, naglatag sya ng higaan sa sala nila. Nahiga kami habang nanunuod. Tas mag-aasaran, mag-aamuyan tas magsasabihan ng mabaho. Papalit palit kami ng pwesto, nakahiga sya sa hita ko, mamaya, ako naman nakahiga sa tiyan nya. Mamaya, nakahiga na ako sa braso nya. Yayakapin nya ako. Tas yayakap sya sa waist ko. Tas hinihimas ko yung mukha nya. Magtititigan kami, aayusin nya yung buhok ko. Hinihimas nya yung labi ko. Tas kikiss ako sa noo. Tas aayumin ko kili kili nya. Minsan, hinihintay ko talaga na sya yung unang bumulong sakin ng salitang "I LOVE YOU" Ikinatuwa ko naman kasi, kanina nilapit nya yung lips nya sa tenga ko tas bigla sya nagsalita ng I love you. Yun yung moment na gustong gusto ko, kasi minsan, may oras talaga na di kami nagpapansinan kahit magkasama kami. Tahamik lang yung isa samin. Tas maya maya, may isang lalapit para maglambing. Sigh* Sarap talaga iparamdam kung paano ka magmahal. ♥
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento