Martes, Marso 4, 2014

RELATE.....

Kapag pala malungkot ka. Dun mo hihilingin na sana may ka relasyon ka. Yung taong maiintindihan ka at ipaparamdam na hindi ka nag-iisa. Yung taong magsasabi sayo na “malalagpasan mo rin yan”, o kaya naman ” kasama mo ako sa problema mong yan, sabay natin i solve ok?”. Yung mga simpleng bagay na nagagawa kapag taken ka. 

Sa oras pala na nalulungkot tayo. Dun natin nararamdaman na sobrang mag-isa tayo. Tapos minsan hindi mo pa masabi sa Pamilya mo dahil hindi naman ganun kabigat ang problemang yun. May araw palang sobrang magiging down ako. Tipong walang matakbuhan. Tipong kailangan kong umalis ng bahay para lang makapag-isip ng tama at susubukang isipin ang tamang solusyon sa mga problema.

Kaya guys, sa mga taken dyan. Alagaan niyo isa’t-isa ha? Kayanin niyo. Ipaglaban niyo kasi mahal niyo. Andyan na kayo eh. Bibitaw pa ba kayo? Ingat kayo palagi.

(Source: matabangutak)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento