Miyerkules, Nobyembre 20, 2013

Love of my life.


SYA YUNG LALAKING.....

Ang lalaking nagpapakain sakin lagi, tapos aasarin na ang laki laki daw ng tiyan ko, malamang! Lagi nya ako pinakakain ng maraming pagkain e. Ang lalaking walang ginawa kundi halikan ako sa noo. Ang lalaking lagi umaamoy ng ulo ko, kahit ayoko, malay mo mabaho. Hahahaha! Ang lalaking laging umaamoy ng kili kili ko, tapos sasabihin amoy MANDIRIGMA! Nag deodorant naman ako no, tapos walang amoy kili kili ko. Ang lalaking seloso, kahit hinde pinapakita, halata naman kasi hinde namamansin. Ang lalaking, walang ibang ginawa kundi asarin at pikunin ako, pag galit na ako, tatawa pa. @Z@R! Ang lalaking gusto ako lagi kayakap, alam nyo ba, kahit saan kami magpunta, laging yayakap sakin, kahit nakapila kami sa MCDO, nakayakap sa likod ko, kahit pinagtitinginan na kami, hahaha. Naiilang ako, pero wala e, sweet talaga sya, dun ako proud kasi di sya nahihiya yakap yakapin ako kahit saan. Sya yung lalaking, ang hirap amuhin, Promise! Sobrang hirap, kelangan umabot ng bukas yung away bago sya makipagbati. Kahit hirap ako, okay lang, wala e, ayoko mwala e, ganun ba ako kapasaway? LOLOL. Sya yung lalaking, panay kain, ang takaw pero di tumataba. Sya yung lalaking, walang pakialam sa kwento mo, babarahin ka ng "OTALAGA DAT SINAPAK MO", Kainis lang no? Pero pag may problema ka, ayun, dadamayan ka naman nya kaso nandun parin yung pagiging sarcastic nya. Ewan ko ba. Sya yung lalaking, lagi ako inuutusan, tila ako katulong. Magtuturuan pa kami kung sinu kukuha sa isang bagay, sinu magddrive ng motor, sinu bibili ng ganito ng ganyan. Odiba? Sya yung lalaking hilig mangagat sa balikat at sa bilbil, kahit masakit, kahit sarap nya sabunutan, nagpipigil ako. Hahahahaha. Sya yung lalaking mahal ko ♥

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento