Pag nakapag aral ako ngayun, Aalisin ko yung BARKADA, Iiwas akong maglalalabas ng bahay. First priority ang STUDIES and FAMILY, gagawin kong inspiration ang LOVELIFE. Babaguhin ko lahat lahat, eto na siguro yung time para magseryoso. Iniyak ko na lahat sa LORD ng burden ko, sobrang hirap pala. Feeling ko napakawalang kwenta kong anak. Imbes na ako yung magtino, wala. Ako pa yung nagloloko at di nag-aaral ng maayos. Na-disappoint ko talaga ng sobra yung parents ko, ako yung babae e. Gustong gusto ko mag-sorry sa mama at papa ko sa lahat ng kamalian ko, sa lahat ng ginawa kong mali at di maganda. Pero feeling ko, wala na silang tiwala sakin. Inubos ko na :'( Pero pwede pa naman magbago di'ba? Kaya eto, di ko man sabihin sa papa ko na magbabago ako, mas mabuting ipapakita ko na lang. Gusto ko balang araw, maging PROUD sila mama at papa sakin. Ayoko masira buhay ko, gusto ko maging maayos. Ayoko magaya sa kuya ko. Mahal na mahal ko yung FAMILY ko. :'(
Gusto kong mag-sorry sa PAPA ko, sorry kung naging pasaway ako, sorry kung naging gahaman ako sa pera, sorry kung di ako nag-aaral ng maayos, sorry kung naging rebelde po ako, sorry kung nasira ko po yung tiwala nyo sakin, sorry po sa lahat. Hayaan nyo, lahat ng nawala sa inyo, ibabalik ko. Magiging proud kayo sakin balang araw. Yung dating ALEXANDRA, babalik po yan. I love you so much papa. :'(